CPNP Acorda, tiniyak na walang palakasan system sa kaniyang pamumuno

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na ibabalik nito ang kredibilidad ng mga pulis at walang palakasan system na paiiralin pagdating sa promosyon ng mga tauhan ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Acorda, mahalaga ang kredibilidad ng mga pulis para maibalik ang tiwala ng taumbayan sa PNP.

Naniniwala rin si Acorda na nirerespeto at hindi lamang kinatatakutan ang mga pulis.


Nabatid na una nang inihayag ng PNP Chief na nakabatay sa kakayahan at merito ang gagawing promosyon sa mga pulis sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Facebook Comments