Manila, Philippines – Dumami pa ang bilang ng mga Pinoy na nagsasabing masaya sila sa kanilang buhay.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 2016, sa 1,500 respondents, 46 percent ang nagsabing “napakasaya” habang 45 percent ang nagsabing “masaya” sila sa kanilang buhay.
Nasa pitong porsyento naman ang nagsabing hindi sila masaya at two percent ang nagsabing hindi talaga sila naging masaya.
Ayon sa International Social Survey Programme (ISSP), puwesto ang Pilipinas sa kaparehong rangking ng great Britain sa pang-10th-11th mula sa 44 mga bansa pagdating sa kasiyahan.
Nanguna rito ang Portugal na sinundan ng Iceland, Argentina, United States, Canada, Venezuela, Australia at Netherlands.
Nasa pang ika-16 na pwesto naman ang Pilipinas sa 44 mga bansa na malungkot.