Lumobo pa sa limang milyon kada linggo ang bilang ng mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa job portal na Jobstreet Philippines, bago mag-pandemic noong isang taon ay 3 milyon kada linggo ang bumibisita sa kanilang website.
Pero sumipa anila ito sa limang milyon kada linggo.
Tinatayang aabot naman sa 75 percent ng mga job vacancies ang nawala dahil sa lockdown at nadagdagan lang ito sa mga huling buwan ng 2020.
Magsasagawa naman ang Jobstreet ng isang virtual career fair sa Pebrero 17 hanggang 21 kung saan kailangang magkaroon ng Jobstreet account para ma-access ang nasa 55,000 na trabaho.
Sa ngayon, paliwanag ng Jobstreet, dumami pa ang mga trabahong freelance, project-based at part-time, at tumaas ang tsansang matanggap ang mga high school at fresh graduate.