Panukalang batas na magdedeklarang Special Working Holiday sa May 18, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

51

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang batas na magdedeklarang Special Working Holiday ang May 18.

Ito ay bilang paggunita sa founding anniversary ng Commission on Higher Education (CHED).


Sa ilalim ng Republic Act 11522, lahat ng mga organisasyon pribado man o pampubliko ay magkakaroon ng oras at oportunidad na magsagawa ng aktibidad para ipagdiwang ang nasabing araw.

Ang CHED ang inatasang manguna sa paghahanda at pagpapatupad ng programa sa oras na ito ay simulan kung saan tutulong dito ang iba pang matataas na institusyon.

Facebook Comments