Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority (PSA) Labor Survey para sa October 2020.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, aabot sa 8.7% o katumbay 3.8 milyong Pilipino mula 15 years old pataas ang walang trabaho.
Ito na ang pinakamataas na naitala mula pa noong 2005.
Noong nakaraang taon, dalawang milyon ang mga Pinoy na walang trabaho.
Pandemya o dahil sa COVID-19 ang pangunahing dahilan pa rin na nakikita ng PSA kung bakit mas maraming nawalan ng trabaho.
Facebook Comments