Dumami pa ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa bansa.
Ito ay makaraang umakyat sa 8.1 percent ang naitalang August unemployment rate mula sa 6.9 percent noong Hulyo, batay sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Nangangahulugan ito na umakyat sa 3.88 milyong Pinoy ang walang trabaho noong Agosto.
Habang naitala naman ang 14.7-percent na underemployment, mababa sa 20.9 porsiyento noong Hulyo.
Nangangahulugan naman na 6.48 milyon ang nangangailangan ng karagdagang oras ng trabaho o oportunidad para makapag-trabaho.
Kaugnay pa nito, umabot sa 91.9 porsiyento ang employment rate noong Agosto na mababa sa 93.1 porsiyento noong Hulyo.
Nagpapakita ito na may 44.23 milyon ang may trabaho noong nabanggit na buwan.
Facebook Comments