Pangulong Duterte, muling magkakaroon ng Talk to the People

Magkakaroon muli ng Talk to the People si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque pero hindi niya batid kung ito ay mai-eere mamayang gabi o bukas na ng umaga.

Paliwanag ng kalihim, magdedepende kasi ito kung maagang matatapos ang kanilang pagpupulong.


Kasalukuyan pa kasing nagpupulong ang Inter-Agency Task Force (IATF) at pinaplantsa ang ilang mahahalagang usapin.

Kabilang na rito kung palalawigin ang Alert Level 4 na umiiral sa Metro Manila.

Sa mga naunang pahayag ng pangulo, mismong ito ang nagsabi na gagawin na niyang regular ang dalawang beses na Talk to the People sa kada linggo.

Facebook Comments