Bahagyang bumaba ang bilang ng mga unemployed o bilang ng mga walang trabaho sa bansa.
Batay sa Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong December 12 hanggang 16, lumabas na ang adult joblessness rate sa bansa ay nasa 24.7 percent ng adult labor force o katumbas ng 11 milyong Pilipino.
Mas mababa ito sa 11.9 million unemployed noong ikatlong quarter ng 2021.
Pinakamalaki ang joblessness rate sa Metro Manila na nasa 34 percent, sinundan ng Balance Luzon 29 percent; Mindanao 18 percent at Visayas na may 17 percent.
Natukoy rin sa survey na ang involuntary hunger — pagiging gutom at walang makain — sa pamilyang walang trabaho ay umakyat sa 22.4 percent mula sa 16.3 percent noong third quarter.
Ang SWS survey ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 adults na may error margins na ±2.6 percent.