Bilang ng mga Pinoy na jobless, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho ngayong 2018.

Base sa datus ng Philippine Statistics Authority (PSA), bumaba sa 5.3 percent ang jobless rate mula sa 5.7 percent noong nakaraang taon.

Katumbas ito ng 41.2 milyong Pinoy na may trabaho o 94.7 percent improvement sa employment rate.


Naitala naman sa 2.3 million ang bilang ng mga walang trabaho.

Gayunman, tumaas ang underemployment sa labor force population sa 16.4 percent mula sa 16.1 percent noong 2017 na katumbas ng 6.7 milyong indibidwal.

Ang mga underemployed ay pawang mga manggagawang naghahanap pa ng karagdagang trabaho o mas mahabang working hours.

Aabot sa 826,000 na trabaho ang nalikha ng gobyerno ngayong taon, pero mas mababa ito sa target na 900,000 hanggang 1.1 million jobs.

Facebook Comments