- Manila, Philippines – Patuloy na dumarami ang bilang ng mga pinoy na ikino-konsidera ng kanilang sarili na mahirap.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations ngayong unang kwarter ng taon – 50 percent o kabuuang 11.5 milyong pamilya ang naniniwalang sila ay mahirap.
Mas mataas ito ng anim na puntos kumpara sa resulta ng December 2016 survey kung saan kabuuang 10 milyong pamilya ang nagsabing sila ay mahirap o nasa 44 percent.
Sa nasabing survey din, nasa 8.1 million families o 35 percent ang nagsasabing wala na silang makain.
Pinakamaraming pamilya sa balance Luzon ang nagsabing sila ay mahirap, sinundan ng Mindanao at Metro Manila habang isang puntos lang ang itinaas ng Visayas.
Ang SWS survey ay isinagawa sa 1,200 katao nationwide noong March 25 hanggang 28, 2017.
Facebook Comments