Missile strike sa Syria – isinisi sa Israel

World – Isinisi ng Syrian government sa Israel ang pag-atake sa sinasabing arms depot ng grupong Hezbollah sa Damascus.
Ayon sa Syrian government, tinamaan ng mga rocket ang isa sa kanilang military base malapit sa Syria-Israel border.
Magugunitang binagsakan ng mga missile ng Israel ang isang hinihinalang imbakan ng armas ng Lebanese Hezbollah malapit sa Damascus airport.
Gayunman, hindi inaamin o inaako ng Israel ang inilunsad na missile strike.

Facebook Comments