Bilang ng mga Pinoy na namatay sa pagsabog sa Beirut, 4 na; sugatan, umakyat na rin sa 31

70

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA), sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Beirut, na umakyat na sa apat na mga Pilipino ang namatay sa pagsabog sa Lebanon.

Ayon sa DFA, umakyat na rin sa 31 ang bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog.


Sa ngayon ay hindi rin matagpuan pa ang nawawalang household service worker.

Kinumpirma rin ng DFA na dalawa sa mga sugatang Pinoy ay nasa kritikal na kalagayan at patuloy na ginagamot sa Rizk Hospital sa Beirut.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy sa Beirut na tinututukan nila ang pangangailangan ng mga naapektuhang Pinoy.

Facebook Comments