Bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa lindol sa Taiwan, umabot na sa 11

Kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge Hans Leo Cacdac na umaabot na sa 11 ang mga Pilipinong nasugatan sa nangyaring lindol sa Taiwan.

Ayon kay Cacdac, ang isa sa mga Pinoy ay nagtamo ng strain sa kaliwang sakong habang ang isa ay nasugatan sa kamay.

Ang dalawa ay patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Taiwan.


Tiniyak naman ng DMW na nasa ligtas na kalagayan ang mga nasugatang Pinoy.

Facebook Comments