Seguridad ng mga kapatid nating Muslim, tiniyak ng PNP kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad at kaligtasan ng mga kapatid nating Muslim kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.

Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, mayroon na silang ipinatutupad na security measures partikular sa mga areas of activities.

Aniya, nagdagdag na rin sila ng mga tauhan partikular sa mga Mosque at iba pang lugar na pagdarausan ng mga aktibidad kaugnay nito.


Layon aniya nito na masiguro na maging ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Kasunod nito, ipinaabot ng liderato ng PNP ang pakikiisa sa mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng mahalagang araw na ito para sa kanila.

Facebook Comments