Bilang ng mga Pinoy na nasugatan sa pagsabog sa Beirut, 47 na

40

Lima pang mga Filipino ang nadagdag sa bilang ng mga nasugatan sa pagsabog sa Beirut, Lebanon.


Bunga nito, umaabot na sa 47 ang mga Pinoy na nasugatan sa nasabing pagsabog.

Nilinaw naman ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola, na hindi naman delikado ang lagay ng mga Pilipinong nasugatan sa pagsabog.

Patuloy naman na tinututukan ng Philippine Embassy sa Beirut ang kalagayan ng mga nasugatang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa darating na Linggo, August 16, 2020, darating ang 400 na OFWs mula Lebanon sakay ng chartered flight gayundin ang apat na Pinoy na namatay sa Beirut blasts.

Facebook Comments