PANOORIN: Hubad na lalaking humarang sa kalsada, tumba sa suntok ng driver

24041
Screengrab from Twitter/Andrew Neill

Walang oras makipagbiruan ang isang driver na nagpatumba sa lalaking paharang-harang sa kalsada sa Russia, habang walang saplot.

Sa viral video na ibinahagi ng isang Andrew Neill sa Twitter, makikitang sa gitna mismo ng kalsada rumampa ang hubad na lalaki, dahilan upang mapilitan ang ilang sasakyan na umiwas.


Hanggang sa makasalubong niya ang puting sedan na sumubok pang lumiko ngunit hindi nito pinayagan dumaan.

Lumabas ang driver, at makaraan ang saglit na pakikipag-usap ay sinuntok sa mukha ang hubad na lalaking agad tumumba.

Hindi naman malinaw kung sino ang mga indibidwal sa video na lumabas noong Agosto 1 at ngayon ay mayroon ng 1.4 million views.

Facebook Comments