Bilang ng mga Pinoy na sugatan sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan, umakyat na sa apat!

Apat na mga Pinoy na sugatan sa pagtama ng magnitude 7.2 na lindol sa Taiwan noong Miyerkules ng umaga.

Ayon kay Department of Migrant Workers Office-In-Charge Hans Leo Cacdac, nagtamo ng sugat sa ulo ang kababayan nating Pinay matapos na mabagsakan ng mga nahulog na debris dahil sa pagyanig.

Agad naman aniyang nadala sa pagamutan ang Pinay na ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.


Una rito, tatlong kababayan din natin ang nasugatan sa lindol sa Taiwan at sa kabutihang palad ay walang naitalang Pinoy na nasawi.

Patuloy ngayon ang monitoring ng migrant workers offices ng DMW sa Taipei, Taichung, at Kaohsiung sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa nasabing bansa.

Facebook Comments