Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho dahil sa COVID-19, posibleng umabot sa walong milyon ngayong 2020

Posibleng umabot sa walong milyong pinoy ang mawawalan ng trabaho ngayong taon dulot ng COVID-19 pandemic.

Batay sa datos ng Malaysian financial giant na Maybank, aabot sa 18.5 porsyento ang unemployment rate ng bansa sa taong 2020.

Bunsod ito ng pinakamahigpit na lockdown sa rehiyon, mabagal na pagpigil sa nasabing sakit at pagdami ng mga umuuwing migrant workers sa bansa.


Una nang napaulat ang 17.7 porsyento ng jobless rate na katumbas ng 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Nagbabala rin ang Maybank na posibleng pinaka-apektado ang Information Technology-Business Process Management (IT-BPM) sector kung saan nasa 1.2 milyong Pinoy ang nagtatrabaho sa naturang industriya.

Facebook Comments