Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ngayong 2022.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), 16,736 na Pinoy ang nagtatrabaho sa mga lisensyadong POGO ngayong taon na mas mataas kumpara sa 15,745 na naitala noong 2021 at 13,991 noong 2020.
Dagdag pa ng ahensya, tumaas sa 48.87% ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa POGO, mula sa 14.19% na naitala noong 2019.
Samantala, tumaas din sa 17,509 ang naitalang bilang ng mga dayuhang POGO workers sa bansa mula sa naitalang 14,838 noong 2021.
Pero mababa ito kumpara sa naitalang 28,394 na bilang noong 2020.
Facebook Comments