Nawawalang senior citizen na mangingisda sa Samal Island, nailigtas ng PCG

52

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang nawawalang mangingisda sa Samal Island.

Matapos ang puspusang search and rescue (SAR) operation ng PCG, nahanap ang 80 taong gulang na mangingisda na kinilalang si Onopre Mangonga.

Aniya, nasira ang makina ng kanyang bangka kaya’t tinangay siya ng alon at hindi nakabalik agad.


Agad naman na nakipag-ugnayan ang PCG sa kanyang pamilya para maipahatid na natagpuan na ang kanilang kaanak at nasa maayos itong kalagayan.

Facebook Comments