Bilang ng mga PNP personnel na naa-admit sa mga PNP isolation at treatment facilities, bumababa

Nagpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) na naa-admit sa mga PNP isolation and treatment facilities matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni PNP Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) Commander Lt.Gen. Joselito Vera Cruz.

Aniya, nakatulong ang pagbabakuna kontra COVID-19 kaya hindi lumalala ang kondisyon ng mga nagpopositibong PNP personnel sa COVID -19.


Batay sa datos ng PNP Health Service, as of October 20, 2021, 223 ang COVID-19 bed occupancy rate sa PNP, habang nasa 2,450 ang available beds.

Ang PNP ay mayroong 137 isolation, quarantine at admission facilities nationwide na may 2,673 bed capacity.

Samantala, kahapon ay nakapagtala ang PNP ng 842 COVID-19 active cases at nakapagtala ng 64 ng bagong kaso.

Facebook Comments