Bilang ng mga public utility vehicle na nabigyan ng fuel subsidy, umaabot na sa mahigit 128 thousand ayon sa LTFRB

Umakyat na sa 128,912 na public utility vehicle (PUV) units ang nabigyan ng fuel subsidy.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), aabot sa P840,612,500 ang halaga na na-disburse ng LTFRB sa Landbank of the Philippines.

Mula sa naturang halaga, abot P483,748,500 ang naipamahagi na sa 92,755 na benepisyaryo.


Tiniyak naman ng LTFRB na patuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Landbank para sa tuloy-tuloy at mabilis na pamamahagi ng subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Fuel Subsidy Program (FSP).

Facebook Comments