MANILA – Naalarma na ang Philippine National Police (PNP) sa dami ng mga pulis na nakukumpirmang nagpopositibo sa paggamit ng iligal na droga.Batay sa datos ng PNP crime laboratory mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon sumampa na sa 174 na tauhan ng PNP ang kumpirmadong gumagamit ng bawal na gamot.164 mga pulis, habang 7 ang non-uniformed personnel.Batay ito sa isinagawa nilang mandatory drug testing sa higit 159 libong PNP personnel sa buong bansa.Ayon kay Crime Lab. Deputy Dir. for Administration Ligaya Sim, ito na ang pinakamaraming bilang ng pulis na nagpositibo sa drug test sa loob ng pitong taon.Paliwanag ni Sim, ngayon lang kasi nila itinodo ang drug testing sa mga pulis.Dati rati raw kasi random o pili lang ang isinasailalim sa drug test nila. Pero sa pagpasok ng administrasyong Duterte, lahat inubligang sumailalim sa drug testing.Bukod dito, wala rin anyang sapat na budget ang PNP noong mga nakalipas na taon para isailalim sa drug test ang lahat ng pulis sa buong bansa.
Bilang Ng Mga Pulis Na Nagpositibo Sa Droga Ngayong 2016, Pinakamarami Sa Loob Ng 7 Taon
Facebook Comments