Bilang ng mga pulis na nasawi dahil sa COVID-19, nadagdag pa!

Isa na namang police frontliner ang binawinan ng buhay matapos na magkasakit ng COVID-19.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, ang nasawing pulis ay lalaki, 46-anyos at isang Police Commissioned Officer na nakatalaga sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Namatay ito nitong nakalipas na araw ng Miyerkules, July 22, 2020, limang araw ang nakalipas na mula nang ma-test siya nitong July 17, 2020 at makumpirmang positibo sa COVID-19.


Ang nasawing pulis ay pang sampu ng pulis na namatay dahlil sa COVID-19.

Simula March 2020, mayroon nang 1,932 pulis ang positbo sa COVID-19 pero sa bilang ng mga positibo, 706 ay gumaling na sa sakit.

Mayroon naman mahigit 3,000 pulis ang inoobserbahan pa sa ngayon dahil sa COVID-19.

Sinabi naman ni Banac na kahit patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga pulis na positive sa COVID-19 ay hindi nito naapektuhan ang araw-araw na pagtupad sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments