Patuloy na ang pagbaba ng bilang ng mga naitatalang namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.
Sa datos ng DOH, mula sa 4,962 noong Agosto ay nasa 3,658 na ang kabuoang bilang ng mga nasawi nitong Setyembre.
Sa unang tatlong araw ng Oktubre ay umabot sa 42 ang namatay dahil sa COVID-19.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang 4,962 na namatay noong Agosto ang bagong peak kung saan umabot sa 160 ang nasasawi bawat araw.
Nitong Setyembre ay bumaba na sa 122 na naitalang namatay kada-araw habang sa unang tatlong araw ng Oktubre ay nasa average na 14 ang sinawing-palad dahil sa COVID-19.
Facebook Comments