Bilang ng mga refugee na tatanggapin sa Amerika sa susunod na taon, binawasan!

Amerika – Binawasan ng Amerika ang bilang ng mga migrant na kanilang papayagang makapasok sa bansa sa susunod na taon.

Ayon kay US President Donald Trump, ang seguridad ng kanilang mamamayan ang pangunahing dahilan sa kanyang desisyon na bawasan ang mga tinatanggap na refugees.

Mula sa mahigit isang daang libong refugees sa Obama administration, mayroon na lamang apatnapu’t limang libong (45,000) refugees ang puwede pumasok sa Amerika sa 2018.


Magmumula ang karamihan nito sa Africa, susundan ng South Asia kabilang ang Middle East Countries, East Asia, Europe, Central Asia, Latin America at Carribean.

Facebook Comments