Patuloy na tumataas ang bilang ng mga business owners na nagpaparehistro sa Department of Trade Industry Pangasinan sa kabila pa rin ng pagkakaroon ng pandemya.
Sa datos ng DTI Pangasinan mayroong naitalang 8, 874 ang nagparehistrong mag-uumpisa sa kanilang negosyo simula Enero hanggang nito lamang Hunyo taong kasalukuyan samantala, mayroong 1, 799 ang nag-renew ng kanilang negosyo.
Sa naging panayam ng Ifm Dagupan kay DTI Provincial Director Nathalia Dalaten, sinabi nitong makikitang bumaba umano ang nagparehistro noong nakaraang taon dahil sa surge ng COVID-19 at dahil na rin sa mas mahigpit na restriksyon Enhanced Community Quarantine sa lalawigan kung saan mayroon lamang 13, 981 ang nagparehistro simula noong Enero hanggang Disyembre taong 2020.
Nagpa-abot naman si Dalaten ng mensahe sa mga nagbabalak magparehistro na gawin ang tamang pagproseso upang mapabilis ang pag-aayos sa pag-uumpisa ng kanilang negosyo.