Ilang Barangay sa Calayan, Cagayan, Binaha

8

Cauayan City, Isabela- Nakakaranas pa rin ng pag-ulan at hangin ang Calayan island dahil sa “Habagat”.

Dahil dito, binaha ang ilang mga barangay sa lugar dulot na rin ng halos isang Linggong sunod-sunod na pag-uulan.


Kaugnay nito, nakaalerto ang mga opisyal ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at nakahanda rin ang kanilang mga kagamitan kung sakaling kinakailangan ng evacuation.

Una na rin sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang pasok sa lahat ng tanggapan sa nasabing bayan maliban na lamang sa mga nasa health and rescue services.

Ipinagbawal na rin ang paglayag at pangingisda ng sinuman sa karagatan sa palibot ng isla upang mailayo at makaiwas sa anumang peligro.

Facebook Comments