Bilang ng mga rehistradong negosyo sa bansa, mas dumami pa ngayong taon

Iniulat ng Micro, Small, and Medium Enterprises Development (MSMED) Council na tumaas ang bilang ng mga registered business sa Pilipinas ngayong 2019.

Ayon kay Trade Secretary & MSMED Council Chair Ramon Lopez, umakyat sa 1.42 million ngayong May 2019 mula sa 1.39 million noong December 2018 o katumbas ng 30,000 bagong negosyo sa loob lamang ng 5 buwan ang kanilang naitala.

Sinabi ni Lopez na nangangahulugan lamang ito na magandang mamuhunan o magnegosyo sa bansa lalo pa at ang Pilipinas ang 2nd fastest growing economy sa ASEAN Region.


Paliwanag pa nito target ng ahensya na maramdaman ang programa para sa Micro, Small, and Medium Enterprises sa barangay-level bilang pagtalima na rin sa tapang at malasakit program na layong magkaloob ng job at business opportunities sa bawat Pilipino.

Facebook Comments