Rufa Mae Quinto, aminadong nahihirapan sa pagkalayo ng kanyang asawa para magtrabaho sa ibang bansa

Aminado si Rufa Mae Quinto, na nahihirapan siya matapos mag ibang-bansa ang kanyang asawa na si Trevor Magallanes.

Si Trevor ay isang Filipino-American na nakabase ngayon sa San Francisco para magtrabaho bilang financial analyst.

Say ng comedian-actress, kahit na mahirap ay kailangan niyang kayanin na mapalayo sa asawa para sa kanilang anak na si Athena.


Aniya, ayaw niyang maging malungkot dahil maa-absorb daw ito ng kanyang anak.

November 2016 nang ikasal si Rufa Mae sa kanyang asawa.

Facebook Comments