Bilang ng mga reklamong natanggap ng COMELEC hinggil sa vote buying noong eleksyon, umaabot na sa 113

Kinumpirma ng Commission on Elections (COMELEC) na umaabot na sa 113 na vote buying concerns ang natanggap nila kaugnay ng nakalipas na halalan.

Ayon kay COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco, ang naturang mga kaso ay umuusad na sa komisyon.

Sinabi pa ni Laudiangco na 17 sa mga reklamo ay verified complaint-affidavit hinggil sa vote buying/selling) na inihain sa Comelec Law Department.


Ang naturang mga kaso ay sumasailalim na ngayon sa preliminary investigation.

Nilinaw rin ni Laudiangco na 5 taon ang prescription period sa election offenses mula nang gawin ang krimen kaya maaari pa ring humabol ang mga nais pang maghain ng reklamo.

Facebook Comments