
Mula sa 15 na naiulat na sangkot sa pagkasawi sa 19 na taong gulang na maritime student dahil sa umano’y hazing naging 21 na ayon sa Cavite Police.
Ayon kay Cavite Police Provincial Office Director PCol. Ariel Red, sa 21 na ito, 9 ang may direktang partisipasyon sa pagkamatay ng nasabing biktima at ang 12 rito ay mga person of interest na ng pulisya.
Kaugnay nito, sinabi rin ng pulisya na may pagkakakilanlan na ang mga nasabing sangkot at nagsasagawa na rin ng hot pursuit operation sa mga ito.
Samantala, napag-alaman rin na ang mga ito ay myembro ng isang school-based fraternity.
Lumabas naman sa sa mediko-legal na ang sanhi ng pagkamatay ng estudyante ay severe blunt force trauma to the lower extremities.
Facebook Comments










