Dumami pa ang volume ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes, sa taong 2021 ay umabot na sa 300,000 ang karagdagang sasakyan sa buong bansa kung saan 70% dito ay bumabagtas sa Metro Manila.
Dahil dito ay sumang-ayon aniya ang mga concerned agencies at stakeholders na dapat mabawasan o ipakalat sa ibang lugar sa isang buong araw ang mga sasakyan sa NCR.
Samantala, ipinagmalaki naman ni Artes na nakatulong ang EDSA Bus Carousel program ng pamahalaan upang mabawasan ang travel time ng mga commuter mula sa dalawa hanggang tatlong oras na ngayon ay 30 minuto hanggang isang oras na lamang.
Facebook Comments