Ilang Pilipino na lumikas sa Ukraine, binigyan ng temporary stay permit ng France

60

Binigyan ng temporary stay permit ng bansang France ang ilang Pilipinong lumikas sa Ukraine bilang refugees.

Ayon sa United Nations High Commissioner for Refugees, nasa 3.6 million na refugees na ang nasa mga karatig-bansa sa Europa kung saan ang mahigit 2 million dito ay nasa Poland.

Alinsunod sa mandato ng European Union ay kailangang bigyan ang Ukrainians ng right to stay at work sa mga bansang kukupkop sa kanila.


Sa kabuuan ay pumalo na sa 10 million Ukrainians ang lumikas mula nang lusubin sila ng Russia noong Pebrero 24.

Facebook Comments