Bilang ng mga Senior Citizen sa Region 2, Isa sa may Pinakamaraming Nabakunahan kontra COVID-19 sa Bansa

Cauayan City, Isabela- Kabilang ang Region 2 sa may pinakamaraming populasyon ng senior citizen sa bansa ang nabakunahan laban sa COVID-19 virus.

Inihayag ni Health Education and Promotion Officer II Paulene Keith Atal ng Department of Health (DOH) region 2,umabot na sa 67% o katumbas ng 234, 869 senior citizen ang nabakunahan sa unang dose mula sa target na bilang habang 51% o katumbas naman ng 214, 3016 ang fully vaccinated.

Tumaas rin aniya ang demand ng bakuna sa rehiyon kung saan malinaw na sa publiko ang kahalagahan ng pagpapabakuna.


Samantala, may iilan pa rin umano ang ayaw magpabakuna dahil naman sa ilang maling impormasyon na kanilang nakikita sa social media.

Ilan din sa nais ng publiko ang bakunang ituturok sa kanila gaya ng moderna o Pfizer vaccine kumpara sa Sinovac na mula sa China.

Mas marami naman umano ang nagka-interes na magpabakuna ng magkaroon ng suplay ng J&J vaccine.

Sa kabila nito, una pa rin sa listahan ang Sinovac na may pinakamaraming nabakunahan kontra COVID-19 na umabot sa mahigit 400,000 doses.

Patuloy rin umano ang ginagawang hakbang ng ahensya para madagdagan pa ang mga bakuna na maibababa sa rehiyon.

Facebook Comments