Bahagyang lumuwag ang NAIA Terminal 3 matapos na mabawasan ang mga stranded na pasahero.
Kasunod ito ng aberya kahapon sa air control equipment ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa ngayon, nabawasan na ang bilang ng stranded na mga pasahero sa NAIA terminals matapos na bumalik na sa normal ang biyahe ng domestic at international flights.
Gayunman, sinabi ni Philippine Airlines Spokesperson Cielo Villaluna na magkakaroon pa rin ng delay sa biyahe ng mga eroplano sa loob ng 72 hours mula ngayong araw.
Bunga ito ng domino effect ng mga kanseladong flights simula kahapon.
Tiniyak naman ng AirAsia na nagpapatupad na sila ng karagdagang flight adjustments habang umapela ang Cebu Pacific sa mga pasahero na iwasan munang magtungo sa NAIA at hintayin na lamang ang kanilang abiso ng flight schedules.
Nananatili namang mahaba ang pila ng mga pasaherong nagpapa-rebook ng kanilang ticket.