Full normal flight operations sa NAIA , maibabalik sa Miyerkules o Huwebes ayon sa MIAA

Inanunsyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Cesar Chiong na aabutin pa ng hanggang Miyerkules o Huwebes bago manumbalik ang fully normalized flight operations sa NAIA terminals.

Tiniyak din ni Chiong na puspusan ang pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para mapabilis ang pagbabalik sa normalcy ng domestic at international flights.

Kinumpirma rin ni Chiong na magkakaroon pa rin ng kanseladong flights dahil sa operational requirements ng mga airline.


Aniya, punung-puno ang flights at hindi kayang i-accommodate lahat ng mga pasaherong naapektuhan ng cancelled flights kahapon.

Facebook Comments