Pumalo na 83,673 ang kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 1,678 ngayong araw.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa nasabing mga kaso, 55,109 ang aktibo.
Nasa 90.2 percent ang may mild condition, 8.9 percent ang asymptomatic, 0.5 percent ang mga severe at 0.4 percent ang critical.
Nadagdagan naman ng 173 ang mga gumaling na umakyat na sa 26,617 recoveries.
Apat naman ang naitalang nasawi na mayroon ng kabuuang 1,947.
Samantala, nadagdagan ng isa ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.
Dahil dito, pumalo na sa 9,305 na overseas Filipino ang mga tinamaan ng virus, 5,426 ang mga nakarekober habang 655 ang mga nasawi.
Facebook Comments