Bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat na sa 122,754

Lumobo pa sa 122,754 ang COVID-19 cases sa Pilipinas matapos madagdagan ng 3,379 na bagong mga kaso ngayong araw.

Batay sa Department of Health (DOH), umabot sa 53,734 ang aktibong kaso sa bansa.

Sa mga bagong kaso, 2,298 ang fresh cases habang 1,081 ang late cases.


Nangunguna pa rin ang National Capital Region (NCR) sa may pinakamaraming kaso na may 1,602 o 58%, Region 4-A na may 550 o 20% at Region 3 na mayroong 106 o 4%.

24 naman ang naitalang nasawi na umabot na sa 2,168 habang umabot na sa 66,852 ang total recoveries matapos madagdagan ng 96.

Samantala, 18 bagong kaso ng COVID-19 ang nadagdag sa mga Pilipino sa abroad.

Dahil dito, sumampa na sa 9,710 ang mga overseas Filipino na na-infect ng virus, 5,756 ang mga nakarekober at 703 ang nasawi.

Facebook Comments