PANOORIN: Bata, na-rescue mula sa rumaragasang ilog sa North Cotabato

4976
COURTESY LEO MART BALICOG

Nailigtas ang isang paslit na inanod ng rumaragasang tubig sa ilog sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Nakunan ng residenteng si Leo Mart Balicog ang makapigil-hiningang pagsagip sa bata sa kasagsagan ng malakas na ulan, Huwebes ng umaga.


Sa video, makikitang nagtakbuhan ang ilang tao sa gilid ng New Batulakan River para sundan ang musmos na tinatangay ng malakas na agos na tubig.

Pagkaraan ng ilang segundo, tumalon sa ilog ang isang lalaki at ni-rescue ang batang nalulunod.

Napag-alamang nawasak ang tulay habang pauwi ang musmos kaya nalaglag ito sa ilog.

Resulta rin umano ng masungit na panahon ang biglang pagtaas ng tubig sa New Batulakan River na nagdulot ng matinding pangamba sa maraming naninirahan doon.




Facebook Comments