Manila, Philippines – Tumaas na ng 200 porsyento ang bilang ng mga Tsino na nag-a-apply ng passport para makapunta sa Pilipinas.
Ito ay kasabay ng pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago Chito Sta. Romana, tumataas na ang bilang ng mga tsinong nag-aapply ng passport o travel documents papuntang Pilipinas.
Aniya, karamihan sa nais magpunta sa Pilipinas ay gustong magnegosyo.
Naging madali naman na aniya ang pag-apply ng mga Filipino ng travel documents pagtungong China.
Dagdag ni romana, nangangailangan sa ngayon ang China ng foreign English teachers at skilled workers, bagay na maaaring samantalahin ng ating mga kababayan.
DZXL558
Facebook Comments