Baguio, Philippines – Isang malinaw na indikasyon na nananatili parin ang Baguio City bilang isa sa pinaka dinadayong destinasyon sa bansa.
Ayon sa City Planning and Development Office ay tumaas ng 15.7 porsiyento ang bilang ng mga turista na umabot sa mahigit 1.7 milyon na turista noong 2018, nataasan nito ang 1.5 milyong na bilang ng mga turista noong 2017. Aalamin pa ngayong taon kung mahihigitan ba nito ang datos noong nakaraang taon.
Malaki di umano ang naitutulong ng pagdami ng turista ayon sa CPDO dahil lumilikha ito ng mas maraming trabaho sa lungsod.
iDOL sa palagay mo, mas madami bang tao ngayong 2019?
Facebook Comments