Bilang ng mga undocumented Filipino sa U.A.E., patuloy na nadadagdagan

Tiniyak ni Filipino Community in United Arab Emirates Liderator Francis Cabel ang maayos na kalagayan ng mga Filipino sa U.A.E.

Ito ay kahit dumarami ang bilang ng mga Filipino sa U.A.E. na undocumented o walang sapat na dokumento.

Ayon kay Cabel, maraming Pilipino sa U.A.E. ang nahihirapang makauwi ng bansa dahil kulang ang mga dokumento nito.


Kaya kailangang makipagtulungang ng mga Pilipino sa gobyerno ng Pilipinas lalo’t laganap ang sakit na COVID-19.

Sa ngayon, nananatiling nasa 98 ang kaso ng COVID-19 sa U.A.E. kung saan lima dito ay Pilipino.

Facebook Comments