Bilang ng mga unibersidad na magbabalik ng face-to-face classes sa SY 2022-2023, inaasahang madadagdagan pa – CHED

Asahang madadagdagan pa ang bilang ng mga unibersidad na magsasagawa ng face-to-face classes sa nalalapit na pagbubukas ng School Year 2022-2023.

Sabi ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera III, sa ngayon ay nasa 313 unibersidad pa lang sa bansa ang balik na sa pagsasagawa ng face-to-face classes.

Mababatid na noong Enero ay mas pinili ng mayorya ng mga paaralan na isagawa ang klase via online bunsod ng pagsipa ng kaso ng COVID-19 dahil sa Omicron variant.


Pero ayon kay De Vera, ngayong nasa Alert Level 1 na ang NCR at ilang lugar sa bansa ay asahang madadagdagan ang mga paaralang magsasagawa ng face-to-face classes habang inaayos nito ang kanilang curriculum o syllabus na nakatugma ngayon sa online learning.

Matatandaang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga higher educational institutions na nasa ilalim ng Alert Level 1 areas na magsagawa ng face-to-face classes kung saan 100% ng classroom capacity ang maaaring gamitin.

Facebook Comments