Bangkay ng babae, isinako at itinapon ng pedicab driver sa gilid ng kalsada sa Las Piñas City

Arestado ang pedicab driver na nahuling itinapon sa gilid ng kalsada ang isang bangkay ng babaeng nadiskubreng isinilid sa sako sa Las Piñas City.

Sa ulat, sinabing nangyari ang insidente pasado ala una ng madaling araw. nitong Sabado, kung saan mapapanood sa CCTV ang pagdaan ng isang pedicab sa Barangay Manuyo Dos sa naturang lungsod.

Sa isa pang kuha ng CCTV, makikitang may hinulog na sako ang pedicab sa gilid ng kalsada.


Pasado alas 7 ng umaga nang madiskubre ng mga awtoridad na babaeng tinatayang lampas 30-anyos ang edad ang laman ng sako.

Gamit ang CCTV, nakilala ng mga imbestigador ang driver ng pedicab na si Mark Anthony Rajel na dinakip sa kaniyang bahay ilang oras matapos makita ang bangkay ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang manhunt operation para sa isa pang suspek na live-in partner umano ng biktima na kinilala ng pulisya na si Albert Mendoza.

Facebook Comments