Thursday, April 9, 2026

Bilang ng mga violators kaugnay ng safer cities drive sa Metro Manila, nadagdagan pa ng nasa higit 20 libong indibidwal ayon sa PNP

Mula sa bilang kahapon na nasa kabuuang 24,881 nadagdagan pa ito ng nasa kabuang 23,376 na mga violators na naitala sa buong Metro Manila.

Kung saan nasa higit 48,000 na mga indibdwal na ang nahuli sa loob ng 3 araw ng Philippine National Police (PNP) alinsunod sa pinaigting na implementasyon ng Safer Cities Initiative.

Nanguna sa pinakamaraming nahuli ang Southern Police District (SPD) na may 9,503 violators, sinundan ito ng Quezon City (QCPD) na may 4,336, Northern Police District (NPD) na may 3,878, Eastern Police District (EPD) na may 2,916 at Manila na may 2,743.

Sa bagong bilang na ito nasa higit 7 thousand ang nagmulta, 403 ang nasampahan ng kaso habang higit 15 libo ang binigyan ng warning at na-release.

Pinakamataas na paglabag ay patungkol sa pag-iinom ng alak at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, sinundan ng paglalakad ng walang pangtaas na damit, curfew violations sa mga minors at pagbi-videoke ng lagpas sa tinakdang oras.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing bilang ay nagpapakita lamang ng matatag na implementasyon ng mga police efforts sa ground.

Facebook Comments