Monday, May 25, 2026

Mga aktibidad sa Araw ng Kagitingan, bukas para sa mga kabataan

Hinimok ng pamahalaan ang kabataan na pahalagahan ang kabayanihan ng mga beterano bilang inspirasyon sa susunod na henerasyon.

Ito ang pahayag ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) kasabay ng pagsisimula ng Philippine Veterans’ Week, paggunita sa sakripisyo ng mga beterano noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PVAO Deputy Administrator Asec. Restituto Aguilar, may mga nakahandang aktibidad tulad ng parada, sunrise at wreath-laying ceremonies sa Mt. Samat at Capas bukas, Abril 9.

Inaanyayahan din ang kabataan at mga youth groups gaya ng Girl Scouts at Boy Scouts upang mas makilala ang kwento at sakripisyo ng mga beterano.

Kabilang din sa pagdiriwang ang “Tribute to All Filipino Heroes” sa Capas at parada sa Philippine Army Parade Ground.

Facebook Comments