Bilang ng mga walang trabaho, bumaba ayon sa PSA

Dumarami ang mga nagkaroon ng trabaho base sa inilabas na March 2022 labor force survey ng Philippine Statistic Authority (PSA)

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, National Statistician at Civil Registrar General ng PSA bumaba sa 2.87 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho.

Mas mababa ito ng 251,000 kumpara sa 3.13 milyon na walang trabaho noong Febuary 2022.


Kabilang sa mga sektor ang tumaas ang bilang ng trabaho ay services sector, industry, at agriculture sector.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga underemployed na nasa 7.43 milyon na indibidwal noong March 2022 malayo sa 6.13 milyon noong February 2022.

Facebook Comments