Mga ballot box na gagamitin sa halalan, natanggap na ng QC LGU

Natanggap na ng Lokal na Pamahalaan ng Quezon City ang mga opisyal na ballot box mula sa Commission on Elections (COMELEC) na gagamitin sa halalan sa Lunes, May 9.

Ininspeksyon ng mga tauhan ng Treasurer’s Office ng QC ang mga ballot box upang masiguro na maayos at nakaselyo ang mga election paraphernalia na gagamitin sa halalan.

Ayon sa COMELEC, halos tapos na ang kanilang deployment sa mga local hubs ng mga election paraphernalia gaya ng mga opisyal na balota at vote counting machines (VCMs).


Siniguro naman ng QC LGU na nakaantabay ang mga tauhan ng QC Police District sa May 9, para mapanatili ang ligtas, mapayapa, at maayos na eleksyon.

 

Facebook Comments