Bilang ng Motorcycle Accident sa Cauayan City, Umakyat sa 306

25

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 306 ang naitalang motorcycle accident mula buwan ng Enero hanggang Oktubre 17, 2021 sa lungsod ng Cauayan.

Ito ay batay sa inilabas na datos ng Benjamin G. Dy Command Center kung saan 177 ang naitalang bilang na motoristang positibo sa nakalalasing na inumin ng mangyari ang aksidente.

Habang umabot naman sa 140 ang bilang ng mga naaksidenteng walang suot-suot na helmet at walong bilang naman ng katao ang nauwi sa pagkamatay ang kinasangkutang aksidente.


Paalala ngayon ng lokal na pamahalaan sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho at tiyakin na hindi nakainom ng alak at maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada.

Facebook Comments